Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Examines agrarian reform conflicts highlighted in novels by Lazaro Francisco, revealing lasting societal issues.
Binasa ng papel na ito ang tatlong nobela ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Lazaro Francisco na Ama (1929), Maganda Pa ang Daigdig (1955), at Daluyong (1962), upang ipatampok ang kasaysayan ng pakikibaka repormang agraryo buhat sa iba pang mga tunggalian na binunga ng nagbabanggaang interes ng mga magbubukid at panginoong maylupa sa isang lipunang malapyudal sang-ayon sa pagsusuring Maoismo. Matapat na isiniwalat ng mga akda ni Francisco ang kalagayan ng magbubukid sa rurok ng malapyudal na pananamantala mula sa panahon ng pananakop ng Estado Unidos hanggang sa panunungkulan ng mga burukrata-kapitalista matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila nito, malinaw na hindi banayad sa mga magsasaka ang pagtahak sa landas ng pakikibaka. Habang ang mga iba ay binabagabag ng moral na ekonomiya nila na hindi sumalungat sa takda ng pagkaalipin, ang iba ay nagtatayo na ng kilusan. Agad itong sinalig ng mga mga panginoong maylupa sa pamamagitan ng mga hakbang upang lupigin ang pakikibaka nila. Sa kabilang banda, naging tuntungan naman ng reporma ang tunggalian sa pananaw ng naliliwanagan at despotikong panginoong maylupa. Pinupuna ng mga akda ang pagkahulog ng diskurso ng repormang agraryo sa kamay ng mga pulitiko na sila ring mga nagmamay-ari ng lupain kaya litaw ang kahirapan sa malawakang pagtataguyod ng pamamahagi ng lupa sa mga magbubukid. Sa kabuoan, isang sustenidong kritika ang panulat ni Francisco sa nagpapatuloy na panawagan para sa tunay na reporma sa lupa at may bisa ito hanggang sa kasalukuyan sa ganang naglilinaw ito ng mga aral mula sa suliraning pambansa na bagamat nagbago sa mga usaping kantitatibo, mabigat pa ring problema hanggang ngayon. This paper examines three novels by National Artist for Literature Lazaro Francisco, Ama (1929), Maganda Pa ang Daigdig (1955), and Daluyong (1962), to foreground the history of the struggle for agrarian reform from various contradictions produced by the primary contradictions of interests between peasants and landlords within a semi-feudal society, as understood through a Maoist framework of analysis. Francisco’s novels reveal the condition of the peasantry during the height of semi-feudal exploitation, spanning from the period of United States colonial rule to the administration of bureaucrat-capitalists after World War II. However, there is no immediate resolve among the peasants to revolt. While some peasants are constrained by their moral economy that discourages defiance of the terms of serving their landlords, others begin to join a movement. Meanwhile, landlords used their forces to counter these movements
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Jester Gabriel De Leon (2026) studied this question.
Synapse has enriched 10 related papers. Consider them for comparative context: