Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Layon ng pag-aaral na ito na ikuwento at ilarawan ang buhay ng mga preso ng Bucay District Jail bilang mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS), mga saloobin bakit nais nilang magkaroon ng edukasyong pangkolehiyo sa loob ng piitan at mga mungkahi kung paano mapapabuti ang sistema ng edukasyon sa piitan. Ang pag-aaral na ito ay nasa disenyong kwalitatibo. Layon nitong isalaysay ang mga karanasan ng mga persons deprived of liberty (PDL) ng Bucay District Jail mula sa kanilang Alternative Learning System (ALS) classes. Isinagawa ang pag-aaral na ito nang may mahigpit na pagsunod sa mga pamantayan ng etika sa pananaliksik. Bago ang pangangalap ng datos, ipinaliwanag sa mga kalahok ang layunin ng pag-aaral, ang mga pamamaraan ng pangangalap ng impormasyon, at kung paano gagamitin ang kanilang mga sagot. Ang mga boluntaryong sumali ay pumayag sa pamamagitan ng informed consent na isinama sa pananaliksik. Upang mapangalagaan ang pagkakakilanlan at pribadong impormasyon ng mga respondent, gumamit ng mga code sa halip na tunay na pangalan. Ang lahat ng datos ay itatago nang kumpidensyal at gagamitin lamang para sa layunin ng akademikong pananaliksik. Sa proseso ng pangangalap ng datos, ginamit ang mga tanong at pamamaraan na sensitibo at hindi mapanghusga, upang matiyak ang kanilang dignidad at kapakanan. Bilang bahagi ng proseso ng pangangalap ng datos sa mga preso, sumulat ang mga mananaliksik sa Warden ng Bucay District Jail upang makapagdaos ng panayam sa loob ng piitan. Matapos itong maaprubahan, sumulat ang mananaliksik sa mga respondent upang kunin ang kanilang bukas loob na pakikiisa sa panayam bilang bahagi ng pag-aaral. Pagkatapos nito, saka naisagawa ang panayam sa anim na respondent. Nairekord ang isinagawang panayam sa pahintulot na rin ng mga respondent. Sa pagsusuri ng mga datos, ginamit ang Braun at Clarke. Ang mga tugon ng mga respondent ay inayos, kinategorya at hinati batay sa mga umuusbong na tema. Matapos ang prosesong ito, isinagawa ang member checking kung saan ipinabasa sa mga respondent ang kinalabasan ng interpretasyon upang mapagtibay ang kawastuhan at pagiging tapat ng mga datos. Base sa kinalabasan, kinilala ng mga respondent ang ambag ng ALS sa kanilang pagkatuto sa akademik at pisikal na kompetensi sa iba’t ibang larang. Gayunman, higit itong mapapatingkad kung ito ay sasabayan ng edukasyong pangkolehiyo para sa higit na kahandaan sa kanilang pagbabalik sa lipunan. Bukod dito, napapabilis din ang pagkamit nila ng Kalayaan sa tulong ng GCTA. Iminungkahi ng lahat ng respondent ang pagpapatuloy ng edukasyon para sa kolehiyo sa piitan o ang College Education Behind Bars Program.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Tordil et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 8 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: