Case study examines digital tools' role in enhancing literary understanding for students with special needs, suggesting inclusive practices.
Layunin ng pag-aaral na suriin ang kontribusyon ng digital tools sa paglikha ng makatao at inklusibong kapaligiran ng pagkatuto para sa mga batang may natatanging pangangailangan sa pagaaral, lalo na sa larangan ng pagbasa ng panitikan. Ginamit ang case study approach bilang pangunahing disenyo ng pag-aaral upang masusing matukoy ang bawat suliranin, kabilang ang paglalapat ng digital tools, mga karaniwang hamon na nararanasan ng guro, pananaw ng guro at tagapag-alaga, limitasyon sa aplikasyon, at ang impluwensiya nito sa atensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa ng panitikan. Ang mga datos at obserbasyon ay naipaliwanag batay sa mga pahayag ng guro at tagapag-alaga. Ito ay sinuri at binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng narrative analysis. Ipinakita sa resulta ng pag-aaral na sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng kapansanan at kinahaharap na hamon sa pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral sa SNED program, napatunayan na ang paglalapat ng digital tools ay nagsisilbing tulay at lunsaran sa pagpapadali ng kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga biswal at interaktibong kagamitan, mas napalalapit ang mga aralin sa kanilang kakayahan at interes, na nagreresulta sa mas mataas na antas ng pag-unawa, motibasyon, at aktibong partisipasyon sa proseso ng pagkatuto. Gayundin, ang pagsasama ng mga angkop na estratehiya tulad ng Marungko Approach at paggamit ng visual supports na siyang nagbibigay daan sa unti-unting pag-unlad ng kanilang kasanayan sa pagbasa. Sa kabuoan, pinagtibay ng pag-aaral na ang integrasyon ng digital tools sa pagtuturo ng panitikan ay hindi lamang isang makabagong pamamaraan kundi isang makatao at inklusibong hakbang tungo sa mas epektibong pagkatuto. Ito ay nagsisilbing mahalagang mekanismo upang mabigyang tinig at pagkakataon ang mga mag-aaral na may natatanging pangangailangan, at upang higit na maabot ang potensyal sa kabila ng mga hamon na kinahaharap.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Fama et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 5 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: