Study assessing the impact of the Sikap project on reading skills in high schools, indicating positive literacy growth.
Ang pag-aaral na ito ay may tunguhing tasahin ang implementasyon ng Proyektong Sapat at Inobatibong Kaalaman na Angkop sa Pagpapaunlad (SIKAP) sa pagbasa kung saan sakop nito ang pitong mataas na paaralan sa distrito ng Zamboanga Sibugay bilang isang makabuluhang hakbang upang makarekober sa learning gaps na idinulot ng pandemya sa sektor ng edukasyon. Upang detalyadong matasa ang proyektong SIKAP ginamit ang Context, Input, Process, Product (CIPP) model para sukatin ang implementasyon ng proyekto at malaman ang epekto nito sa bawat paaralan. Napag-alaman sa pag-aaral na sa aspektong konteksto (context) malinaw na nailatag ang layunin ng proyekto ay nakasentro sa pagbangon ng literasiya at tugunan ang malawakang suliranin o learning gaps na pinagbasehan ang resulta ng RAT 2022. Sa input ginamit ng mga guro ang mga parte ng Guided, integrating and Yearning Activities (GIYA), marungko fuller approach at ibang pang babasahing nagpapaunlad sa pagbasa na nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng departamento. Sa proseso naman, gamit ang PHIL-IRI tool tinasa at kinilala ang anats ng mga mag-aaral. Pinagsama ang mga ito ayon sa kanilang antas sa pagbasa. Maliban sa mga language teachers at head teachers, pinili ang mga reading doctors, mga opisyales ng barangay at sanggunang kabataan maging ang iba pang stakeholders na may mataas na pinag-aralan para maging katuwang sa pagsasanay, sa presensiya ng reading coordinator upanng masiguro ang wastong pagensayo sa pagbasa na siyang lumutang sa aspektong proseso. Nagkaroon din ng regular na pagpupulong ang mga kaguruan kasama ang mga school heads kung saan may diskusyon sa mga nakikita at naoobserbahan sa pagpapatupad ng proyekto at may regular na monitoring din ang dibisyon tngkol sa implementasyon nito. Sa huling aspekto, ang produkto (product) nagkaroon ng pag-unlad sa kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante dahil mula sa 2,458 na mga mag-aaral na nasa frustation na antas bumababa ito sa 1,298 at mula sa 94 na non-readers naging 54 na lamang. Kinolekta ang mga datos mula sa panayam ng mga gurong direktang nagpapatupad sa proyekto. Ang resulta ay nagpakita ng positibong pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa kasanayang literasiya na higit na nakakatulong sa pagpapaunlad ng pagbasa.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Desabille et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 5 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: