Descriptive study identifies factors influencing drop-out rate in students, highlighting personal challenges.
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang antas ng mga salik na nakaaapekto sa pagtaas ng drop-out rate sa Tagoloan Community College. Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong disenyo at convenience sampling upang makapangalap ng datos mula sa 30 na respondente na tumigil sa kanilang pag-aaral. Ang instrumento ay isang validated questionnaire na sumailalim sa reliability testing. Ipinakita ng resulta na ang suliranin sa pamilya (M = 2.55) at personal o emosyonal na problema (M = 2.55) ang may mas mataas na antas kumpara sa problemang pinansyal (M = 2.23). Ipinahihiwatig nito na ang mga interpersonal at emosyonal na salik ang may mas malaking impluwensya sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral na huminto sa pag-aaral. Bagama’t may epekto rin ang problemang pinansyal, ito ay mas mababa kumpara sa iba pang salik. Samakatuwid, mahalagang bigyang-pansin ang mga personal at pampamilyang aspeto ng mga mag-aaral upang mapalakas ang kanilang kakayahang manatili sa sistema ng edukasyon.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Dagus et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 5 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: