Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Ang pag-aaral ay naglalayong bumuo ng Rubsik, isang modelong rubrik sa pagwawasto ng papel-pananaliksik ng mga mag-aaral sa Baitang 11-STEM sa Dibisyon ng Camarines Norte. Tumugon ito sa kawalan ng iisang istandardisadong pamantayan sa pagtataya ng mga papel-pananaliksik na nagdudulot ng kalituhan at hindi pagkakapare-pareho sa pagwawasto. Gamit ang disenyong deskriptib-ebalwatib-debelopmental. Gumamit ang mananaliksik ng Total Enumeration Sampling para sa mga guro at Stratified Random Sampling para sa mga mag-aaral upang matukoy ang antas ng kaalaman bago at matapos gamitin ang Rubsik. Binuo ang modelong Rubsik batay sa mga pamantayan ng paksa, nilalaman, metodolohiya, inaasahang resulta, sanggunian, at teknikal na pagsulat, at ito ay isinailalim sa balidasyon ng mga dalubhasa gamit ang hinalaw na instrument mula sa DepEd LRMDS Evaluation Tool. Lumabas sa resulta na may makabuluhang pagtaas sa performans ng mga mag-aaral at guro matapos gamitin ang Rubsik, gayundin ang mataas na antas ng katanggapan mula sa mga tagasuri. Napatunayan ang kabisaan ng Rubsik bilang alternatibong kagamitang pampagtataya na makatutulong sa pagpapalakas ng kasanayan sa pananaliksik, pagpapahusay ng sistema ng pagtataya, at pagsulong ng makabago, awtentikong pagkatuto sa larangan ng pananaliksik. Inirerekomenda ang paggamit ng Rubsik sa lahat ng paaralan sa Dibisyon ng Camarines Norte upang magkaroon ng iisang pamantayan sa pagtataya ng mga papel-pananaliksik.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Herman Abanto (2026) studied this question.
Synapse has enriched 8 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: