Examines sexist language in Facebook statements by selected politicians, indicating gender bias.
Ang Facebook ay isang pangunahing online platform sa Pilipinas na nagsisilbing espasyo upang malayang naipapahayag ng mga mamamayan at politiko ang kanilang mga saloobin. Dahil dito, mas nagiging lantad ang paggamit ng mga sexist na salita o wika sa digital na komunidad na ito. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang “sexist na wika” sa mga pahayag ng mga piling politiko sa Facebook gamit ang discourse analysis at pragmatic-feminist lens. Random ang pagkuha ng mga datos. Natuklasan sa pag-aaral na ito na mas madalas ang mga politikong lalaki na gumagamit ng mga sexist na salita, na nagtala ng labing-apat (14) na personalidad, samantalang dalawang (2) babae lamang ang natukoy na gumagamit ng mga ito. Batay sa resulta, mayroong anim (6) na pangunahing kategorya ng sexist na pahayag mula sa pagpapababa ng pagkatao hanggang sa pagnormalisa ng karahasan at ipinakita kung paano nito pinapalala ang hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian at nagdudulot ng panganib sa dignidad, representasyon, at kaligtasan ng kababaihan. Ang bawat pahayag na ito ay may malaking epekto sa buhay ng mga taong nagiging biktima nito. Upang higit na makita at matugunan ang suliraning tinatamasa ng mga kababaihan sa lipunang ito, kinakailangan ang panibagong pag-aaral na sumasaklaw sa kolektibong aksyon o regulasyon sa mga pampublikong pahayag, responsableng pag-uulat ng media, at mas malalim na edukasyon sa gender sensitivity upang maiwasan ang patuloy na pagnormalisa ng sexist na wika at maprotektahan ang karapatan ng bawat indibidwal.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Villastique et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 5 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: