Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Nilalayon ng pananaliksik na ito na siyasatin ang diskursibong papel ng wika sa mga batas pangkalikasan ng Pilipinas sa paghubog ng pananaw hinggil sa kalikasan. Sinuri ang 30 na batas mula sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) gamit ang kwalitatibong disenyo, partikular ang framing analysis nina Gamson at Modigliani (1989) at trigger word extraction na isinalarawan batay sa pananaw nina Lakoff (2010) at Stibbe (2015). Pinagtuunan ang pagtukoy sa mga dominanteng frame at salitang nagpapalakas sa ideolohiyang ekolohikal na nakapaloob sa wika ng batas. Ipinakita ng pag-aaral na ang mga batas pangkalikasan ay hindi lamang mga teknikal na regulasyon, kundi mga diskursibong aparato na kumikilos upang bumuo ng moral, emosyonal, at kolektibong pananagutan sa kapaligiran. Namayani sa mga batas ang mga framing tulad ng social progress, morality, at alternative lifestyles, habang ang mga trigger word gaya ng biodiversity, future generations, at serious threats ay nagpatingkad sa etikal at interhenerasyonal na pananaw. Gayunpaman, napag-alamang umiiral ang agwat sa pagitan ng framing at aktwal na implementasyon, bunsod ng mga limitasyong institusyonal, politikal, at istruktural. Bilang pagpapahalaga, ang wika ng batas ay makapangyarihang kasangkapan sa pagtataguyod ng sustenableng kaunlaran. Hindi lamang ito nagsisilbing aparato sa pagbuo ng mga polisiyang pangkapaligiran kundi susi sa paghulma ng ideolohiya na nagtataguyod na mapataas ang kaalamang panlipunan. Gayunman, inirerekomenda ang mas malalim na pag-uugat ng diskursibong framing sa kamalayang panlipunan, kalakip ang reporma sa wika at istruktura ng mga batas upang higit na umangkop sa mga hamon ng kontemporaryong krisis pangkalikasan.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Nasser et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 8 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: