Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga metapora sa mga ulo ng balita na may kinalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Tinignan ang kaugnayan nito sa kapaligiran at kaunlarang panlipunan. Ginamit angdisenyong kwalitatibo sa paraang deskriptib upang maisagawa ang analisis sa limampung (50) ulo ng mga balita mula sa mga pangunahing pahayagan at onlayn na plataporma. Tinukoy ng pag-aaral ang iba’t ibang uri ng metapora na ginagamit sa paglalarawan ng mga isyung pang-ekonomiya, pati na rin ang mga imaheng nabubuo na may kinalaman sa kalikasan at pag-unlad ng lipunan. Sinuri rin kung paano nakaaapekto ang mga metaporang ito sa paghubog ng pampublikong pananaw hinggil sa mga usaping pangkalikasan at pang-ekonomiya. Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mga metapora ay mahalagang kasangkapan sa paglalarawan ng kalagayan ng ekonomiya sa konteksto ng Pilipinas. Una, nakita na ang mga metapora ay hindi lamang kasangkapang linggwistik. Bagkus ito ay daluyan ng paghubog sa ideolohiya ng pagkakaroon ng kapangyarihang baguhin at tuksuhin ang kaisipan ng tao na tignan ang ekonomiya bilang pangangailangan ngunit hindi isang banta sa kapaligiran. Pangalawa, sa paghahantad ng katotohanan sa benepisyo ng pagtaas ng ekonomiya batay sa mga pahiwatig, mapagtatantong nagiging instrumento lamang ang kalikasan na nagbabawas sa tunay nitong halaga. Pangatlo, sa pagtahak sa sustenableng pag-unlad, nagmimistulang masigla ang lipunan sa pagtaas ng ekonomiya na siyang tumutugon sa pangangailangang panlipunan. Balintuna naman ito sa ibang sustenableng erya na nagtataguyod sa pangangalaga ng kapaligiran. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pananaliksik ang papel ng mga metapora bilang mabisang instrumento sa pagpapalalim ng pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at, gayundin sa pagsulong ng Sustainable Development Goals (SDGs) sa Pilipinas.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Amin et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 8 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: