Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong pag-aaral na nakatuon sa pagsusuri ng mga pahayag ng mga biktima ng mga kaganapang pangkapaligiran sa mga dokumentaryo. Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga karanasan ng mga biktima, ang mga salitang nangingibabaw sa kanilang mga salaysay, at ang paraan ng pagpapakita nila ng katatagan sa gitna ng mga sakuna. Sa pagsusuri, ginamit ang evaluation at appraisal pattern ni Stibbe (2015) upang matukoy kung ang mga pahayag ay may positibo, negatibo o neutral na pagpapahalaga. Ipinakita ng resulta na mas nangingibabaw ang negatibong paghatol sa kanilang mga pahayag kaysa sa neutral at positibong pananaw. Bagaman ang mga Pilipino ay karaniwan nakakaranas ng mga sakuna, hindi ito nangangahulugan na positibo naang kanilang damdamin o pagtanggap sa mga ganitong karanasan. Sa halip, lumitaw ang mga emosyon ng takot, pangamba, at kawalan ng pag-asa. Sa kabila ng negatibong karanasan, nakita rin sa mga pahayag ang pag-usbong ng katatagan at pag-asa. Lumitaw rin ang konsepto ng ekosopiya, na nagpapahiwatig ng malalim na koneksyon ng tao at kalikasan. Sa kabuuan, ipinakita ng pananaliksik na ang mga salaysay ng mga biktima ay hindi lamang pagsasalaysay ng trauma, kundi isang patunay ng kanilang pagbangon at pagharap sa mga hamon ng kalikasan.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Cabunto et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 8 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: