Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang pananaw ng mga mamamayan hinggil sa maliit na suhol/lagay at ang papel ng mga kultural na pagpapahalaga gaya ng utang na loob at pakikisama sa pamamahala. Gumamit ng deskriptibong metodo upang mailarawan ang antas ng pananaw ng mga tagatugon ukol sa utang na loob at pakikisama. Mula sa pagsusuri, natuklasan na may ambiguwidad ang pananaw ng mga tagatugon na mamamayan bagama’t kinikilala ang utang na loob ang higit na dahilan sa maliit na suhol/lagay kaysa sa pakikisama. Dagdag pa, natuklasan ring mas malakas ang impluwensiya ng utang na loob kaysa pakikisama, at sa ilang pagkakataon ay mas binibigyang-halaga pa ang pakikisama kaysa integridad. Ipinapakita ng pag-aaral na ang pagtanggap sa maliit na suhol/lagay ay nakaugat sa kultural na pagpapahalaga at hindi sa pamamahala. Naipakita ring may mahalagang implikasyon sa integridad ng pamamahala sapagkat ang kultura ay maaaring magbigaydaan sa toleransiya ng hindi makatarungang gawain. Inirekomenda ng pag-aaral ang mas malalim na edukasyon sa integridad, kritikal na pagsusuri sa mga kultural na praktis, at pagpapatibay ng pamamahala upang mapalakas ang tiwala ng mamamayan.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Pepito et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 5 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: