Answers are grounded in this paper and cite their sources.
Qualitative analysis reveals formal elements influence interpretation of selected poems by Jerry Gracio.
Formalistiko na nakatuon sa pisikal na anyo at paraan ng pagkakasulat ng akda. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng pagsusuring pangnilalaman (content analysis). Sinuri ang limang piling tula—Paghihintay, Pagdating, Kagat, Pamumulot, at Paghabol— batay sa mga elementong pormal tulad ng kaanyuan (sukat at tugma), estruktura (saknong at taludtod), at paggamit ng tayutay. Lumabas sa pagsusuri na ang mga tula ay karaniwang nasa anyong malayang taludturan na walang tiyak na sukat at tugma, at nagpapakita ng malayang organisasyon ng saknong at taludtod. Masinsin din ang paggamit ng mga tayutay gaya ng metapora, personipikasyon, at pagmamalabis na nagsisilbing pangunahing daluyan ng kahulugan. Ipinakita rin na ang mga elementong pormal ay may mahalagang papel sa pagbuo at pagpapalalim ng interpretasyon ng mga tula. Sa kabuuan, pinatutunayan ng pag-aaral na ang Teoryang Formalistiko ay isang mabisang lente sa pagsusuri ng panloob na katangian ng akda, sapagkat naipapakita nito kung paano nabubuo ang kahulugan sa pamamagitan ng anyo, estruktura, at masining na paggamit ng wika.
No takes yet. Share an insight, caveat, or question.
Bilbar et al. (2026) studied this question.
Synapse has enriched 8 closely related papers on similar clinical questions. Consider them for comparative context: